LGU AMBAGUIO, PINASINAYAAN ANG POTABLE WATER SYSTEM

CAUAYAN CITY – Pinasinayaan ng Lokal na Pamahalaan ng Ambaguio ang proyektong Potable Water System na pinondohan sa ilalaim ng Support and Assitance Fund to Participatory Budgeting (SAFPB).

Kabilang din sa pondo ng SAFPB ang konstruksyon ng Level III Water System Project sa barangay Tiblac, Napo, at Camandag.

Malaking tulong naman ang nasabing proyekto upang magkaroon ng malinis at ligtas na tubig ang mga nabanggit na komunidad na maaari nilang inumin.


Masaya namang tinanggap ng mga benepisyaryo ang nasabing proyekto dahil nagyon ay hindi na nila kailangang maglakad ng malayo para lamang magkaroon ng tubig na maiinom.

Facebook Comments