LGU ang unang sumaklolo- Provincial Government

On stand by na ang dalawang libong sako ng bigas sa Provincial Capitol ng Maguindanao.

Sinasabing nakalaan ito para sa mga residenteng naapektuhan ng sama ng panahon sa nakaraang mga araw sa impormasyong nakuha mula kay Maguindanao Peoples Medical Team Head Lynette Estandarte.

Ang direktiba ay nagmumula mismo kay Maguindanao Governor Esmael Mangudadatu matapos ngang manalasa ang bagyong Paolo sa lalawigan at bilang paghahanda na rin sa mga papasok pang bagyo .


Kaugnay nito nilinaw ng Provincial Government na ang LGU ang syang dapat unang magresponde o magbibigay ng ayuda sa kani kanilang mga kababayan . Habang sila ay bilang resbak na lamang sa bawat LGU na sinalanta ng baha.

Muli naman pinaalalahan ng Maguindanao Government ang publiko ng tripling pag iingat kasabay sa sama ng panahong nararanasan. Ngayong araw inaasahan ang pagpasok ng bagyong si Quedan sa Mindanao.

Facebook Comments