LGU Angadanan, Nakamit na ang Herd Immunity sa Pagbabakuna kontra COVID-19

25

Cauayan City,Isabela- Naabot na ng LGU Angadanan ang herd immunity matapos magpabakuna kontra COVID-19 ang nasa 71.7% o 32,190 ng eligible population.

Ito ang inihayag ni Mayor Joelle Mathea Panganiban kung saan kabilang ang kanilang bayan mula sa 15 bayan at siyudad na nakamit ang 70% target population na mabakunahan.

Bagama’t naabot na aniya ang mahigit 70% ng populasyon ay target pa rin na umabot ito sa 80-85% bago pa man matapos ang taong 2021.


Kaugnay nito, labis naman ang pasasalamat ng alkalde sa mga frontliners sa patuloy na ginagawang pagbabakuna at ang pagsisigurong maaabot ang herd immunity.

Samantala, patuloy pa rin naman ang paghikayat ng local na pamahalaan sa publiko na magpabakuna lalo na sa gagawing National Vaccination Day simula lunes, Nobyembre 29 hanggang Disyembre 1.

Facebook Comments