LGU ASINGAN, NAGBIGAY PAALALA SA MGA NAGTATAPON NG BASURA SA ESTERO

Nagbigay ng paalala sa publiko ang lokal na pamahalaan ng Asingan ukol sa mga basurang itinatapon lang basta basta sa mga estero sa kanilang bayan.
Nagbigay ng paalala ang alkalde ng bayan sa mga nasasakupan nito na huwag magtatapon sa estero ang basura.
Nakitaan kasi ang mga estero ng mga plastic bottles, mga sticks, mga supot, at maging mga diapers.

Ayon sa alkalde, ang mga nakasiksik na basura sa estero ang siyang nagiging dahilan kung bakit umaapaw ang tubig.
Partikular na binigya paalala ng alkalde ang mga kumakain sa palibot ng kanilang public plaza na siyang kita rin sa CCTV footages.
Samantala, tinanggal naman na ng mga itinalagang awtoridad ang mga busarang nakasiksik sa estero at agd rin itong nilinis. |ifmnews
Facebook Comments