LGU ASINGAN NAKIUSAP SA MGA HINDI PA BAKUNADONG SENIOR CITIZENS NA HUWAG MUNANG LUMABAS SA MGA TAHANAN

ASINGAN, PANGASINAN – Nakiusap ang lokal na pamahalaan ng Asingan sa mga senior citizens na hindi pa bakunado na manatili muna sa loob ng kanilang mga tahanan upang hindi mahawa ng COVID-19 virus.

Subalit ang mga senior citizens na natapos nang mabakunahan ay maaaring lumabas basta’t ipakita lamang ang kanilang mga vaccination card.

Dagdag pa nito, ipinagbabawal din muli ang paglabas ng mga batang nasa edad labing pito pababa at limampu’t siyam na gulang pataas hangga’t hindi pa nababakunahan.


Samantala, nilinaw ng lokal na pamahalaan na ito ay hakbang lamang upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 sa bayan.

Facebook Comments