LGU BAGGAO, NAGLUNSAD NG SERBISYO CARAVAN

CAUAYAN CITY – Ipinaabot ng lokal na pamahalaan ng Baggao ang iba’t ibang uri ng serbisyo sa barangay Bunugan, Baggao sa lalawigan ng Cagayan.

Kabilang sa serbisyong hatid ay libreng gupit, libreng tuli, libreng gamot, iba’t ibang uri ng konsultasyon, libreng binhi, relief distribution, registration at issuance ng Senior Citizen’s ID, at marami pang iba.

Dinaluhan ng iba’t ibang opisina ng pamahalaan ang aktibidad katuwang ang PNP, AFP, BFP, Municipal Health Office, at Municipal Social Welfare and Development Office.


Facebook Comments