Magtatayo ng footbridge ang Department of Works and Highways Pangasinan 4th Engineering District na nagsisilbing daanan ng mga apektadong residente nang bumigay na Carlos P. Romulo bridge sa Bayambang.
Sa isang panayam, sinabi ni District Engineer Simplicio Gonzales, target na tapusin ang konstruksyon ng footbridge sa loob ng dalawa hanggang tatlong linggo.
Nakatakdang gamitin ang crane na magmumula sa La Union upang maalis ang dalawang nahulog na truck.
Siniguro naman ng opisyal na kapag dumating na ang lahat ng kagamitang kailangan ay tuloy-tuloy na ang gagawing konstruksyon.
Nagsagawa na rin sila ng ocular inspection ngayong araw at hiningi na rin ang CCTV Footage sa lugar mula October 17 hanggang October 20, 2022 bago mangyari ang aksidente. |ifmnews
Facebook Comments