LGU BAYAMBANG, MULING NAGPAALALA SA MGA MAY ARI NG MGA BAGONG ISTRUKTURA AT RESIDENCIALS UKOL SA PAG-ISSUE NG TAX DECLARATION

Patuloy na nagbigay paalala ang mga Assessor’s office ng Bayambang sa mga nag mamay-ari ng mga bagong istruktura, residentials o mga commercial buildings sa kanilang lugar na mag-issue ng kanilang Tax Declaration.
Nag ikot ang grupo ng mga kawani ng LGU bayambang sa mga barangay ng Ligue and Macayocayo upang muling magbigay ng paalala sa mga establishments at buildings na hindi pa nakakapag issue ng kanilang Tax Declaration.
Ayon sa opisina, kailangan umanong magbayad ng mga residente sa bayan ng amilar ayon sa batas at hindi lang sa mga commercial building kung hindi pati na rin sa mga residential building na may exception.

Nanggagaling kasi umano sa real estate tax ang kita o revenue ng munisipyo na siyang ginagamit pangtustos sa lahat ng proyekto ng LGU Bayambang.
Dagdag pa nila, sa ambag na ito ng mga residente ay malaki ang magiging pagbabago at kontribusyon nila sa kanilang bayan. |ifmnews
Facebook Comments