Iginiit ngayon ang lokal na pamahalaan ng bayan ng Bayambang na hindi sila nagkulang sa paalala kaugnay sa tulay na bumagsak kahapon.
Sa social media post ni Bayambang Mayor Nina Jose Quiambao, taong 1990s pa ginawa ang nasabing tulay mula sa pondo ng National Government sa pamamagitan ng DPWH.
Huli naman itong nag-inspect ng DPWH nitong buwan ng Hulyo lamang matapos tumama ang malakas na lindol sa kalakhang Luzon.
May nakalagay din umano doon sa bungad ng tulay na warning sign kung saan ay 20 tons lang ang pwedeng dumaan dito.
Sa ngayon, ay sarado ang nasabing tulay at pinag aralan pa ang mga hakbang kaugnay sa pagsasaayos nito. |ifmnews
Facebook Comments