LGU BAYAMBANG, SINUSPINDE ANG BOAT OPERATION SA MGA TUMATAWID SA ILOG DAHIL SA NASIRANG CARLOS P. ROMULO BRIDGE

Inanunsyo ng lokal na pamahalaan ng Bayambang na suspendido hanggang bukas ang boat operation nito para sa mga tumatawid sa ilog matapos masira ang Carlos P. Romulo Bridge sa Barangay Wawa.
Ito ay dahil na rin sa sama ng panahon na nararanasan dulot ng bagyo.
Pinapayuhan maging ang mga may sariling bangka na huwag tumanggap ng transaksyon na may kinalaman sa pagtawid sa ilog.
Ang kawani ng PNP, PDRRMO, Barangay Officials at mga volunteer groups ay nakatalaga dito upang tiyakin na walang pribadong bangka ang tatawid sa ilog.
Sa ngayon, tanging ang pagdaan sa itinalagang alternate route ang maaaring gawin ng mga apektadong residente na nais magtungo sa town proper, bagamat aabot sa halos dalawang oras o higit pa ang haba ng kanilang biyahe.
Facebook Comments