LGU BINMALEY, NAGBABALA SA PUBLIKO SA INSIDENTE NG PAGLALAGAY UMANO NG INDELIBLE INK KAPALIT NG PERA

Nagbabala ang lokal na pamahalaan ng Binmaley sa publiko matapos ang ilang insidente ng umano’y nag-aalok ng pagpapatak ng indelible ink upang pigilang makaboto ang mga botante kapalit ang pera.
Sa ibinahaging abiso ng tanggapan, bagaman hindi na nagbahagi ng detalye ukol sa isinangguning isyu, nanindigan itong iligal ang naturang gawain at itinuturing na voter’s suppression.
Ayon sa COMELEC, maituturing na vote buying at vote selling ang naturang iskema kapag nalagyan na ng indelible ink ang daliri bago sumapit ang halalan.
Hinihikayat ng tanggapan na i-report ang naturang insidente sa awtoridad at maging wais upang maisakatuparan ang karapatang bumoto. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments