LGU BUGALLON, PINABULAANAN ANG KUMAKALAT NA POST TUNGKOL SA LIBRENG BIGAS AT GROCERY

Pinabulaanan ng Lokal na Pamahalaan ng Bugallon ang isang post na kumakalat sa social media na nagsasaad umano ng pamimigay ng libreng bigas at grocery.

Sa inilabas na pahayag ng LGU, nilinaw nito na walang katotohanan ang nasabing impormasyon at walang inilulunsad na programa na may kinalaman dito.

Hinimok ng pamahalaang lokal ang publiko na huwag maniwala sa maling impormasyon at tangkilikin lamang ang mga anunsyo na inilalathala sa opisyal na social media account ng tanggapan.

Bilang paalala, nagbabala rin ang LGU laban sa pagpapakalat ng pekeng balita na maaaring magdulot ng kalituhan sa mga mamamayan.

Facebook Comments