Lubos ang kasiyahan ng mga opisyales, kawani at mga residente ng Buldon sa Maguindanao matapos mapabilang sa mga LGUs ngayong taon na binigyan ng pagkilala ng DILG National Office at ginawarang ng Seal of Good Local Governance o Pagkilala sa Katapatan at Kahusayan ng Pamahalaang Lokal.
Kaugnay nito pinasalamatan ni Buldon Mayor Abolais Manalao ang lahat ng kanyang mga empleyado na naglaan ng matapat na paninilbihan para maipaabot ang tamang pamamahala at serbisyo sa lahat ng kanilang mga kababayan.
Kabilang ang BIDA Program o Buldon Integrated and Development Activities sa naging inisyatiba ng LGU na naglalayun na marating ang bawat Baranggay ng bayan kasama ang ibat ibang ahensya partikular ng PNP, AFP at maiabot ang mga basic services sa mga residente na kinabibilangan ng BADAC Meeting at Free Medical Services.
Nagpapatuloy naman ang pagsisikap ni Mayor Manalao na mapunan pa ang mga pangangailangan ng LGU at mga residente base na rin sa adhikain ni Presidente Rody Duterte.
Ang bayan ng Buldon ang kauna unaunahang Munisipyo sa buong Maguindanao kundi man sa buong Rehiyon na nadeklarang Rido Cleared ng AFP at PNP , matatandaang isa sa itinuturing na dahilan ng di pag usad ng bayan noon ay ang away pamilya.
Sa ngayon malaya ng nakakapamasyal at nakakapagtrabaho sa kani kanilang mga bukirin ang nooy dating mga naglalabang mga pamilya. Nakapag aaral na rin ang mga istudyante.
Samantala maliban sa Buldon pasok rin ang iba pang mga Iranun Towns sa SGLG Awardees ngayong 2017.