LGU BURGOS, NAMAHAGI NG SCHOOL SUPPLIES

CAUAYAN CITY – Nagsagawa ng pamamahagi ng school supplies ang Local Government Unit ng Burgos sa lalawigan ng Isabela kamakailan.

Ang mga nakatanggap ay estudyante ng daycare, kinder, at elementarya sa iba’t ibang paaralan sa nabanggit na bayan.

Layunin ng programang ito na masigurong ang bawat mag-aaral ay may maayos na kagamitan sa pag-aaral.


Ito ay sa ilalim ng education program ng LGU Burgos sa pangunguna ni Mayor Isis Uy ang programa kasama si Vice Mayor Ruben A. Gragasin.

Facebook Comments