CAUAYAN CITY – Kinilala ang LGU Cabagan bilang isa sa 10 natatanging Galing Pook Awardees ngayong 2024 dahil sa kanilang Project Teaching Opportunities Prioritizing Illiteracy.
Ang proyektong ito ay naglalayong labanan ang kawalan ng kakayahan sa pagbabasa sa mga komunidad na kulang sa edukasyon.
Itinuturing ni President Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga nagtatag ng mga natatanging programang ito bilang mga “lider at tagapagpahayag ng pagbabago.”
Layunin ng Project TOPI na tulungan ang mga struggling learners sa pagbabasa, sa tulong ng mga licensed professional teachers (LPTs).
Ang proyekto ay may pondo mula sa DOLE at LGU Cabagan, katuwang ang DepEd, upang magsagawa ng mga session sa pagbabasa.
Kasama rin sa programa ang pagtutok sa mga pamilyang may mga batang may espesyal na pangangailangan.
Sa pamamagitan ng Project TOPI, pinalalakas ang partisipasyon ng komunidad sa pagbibigay ng dekalidad na edukasyon para sa lahat.