Nagkaroon na ng pag-uusap ang lokal na pamahalaan ng bayan ng Calasiao sa pagitan ng tanggapan ng ikatlong Distrito sa pangunguna ni Congresswoman Rachel Baby Arenas ukol sa mga gagawing proyekto sa bayan laban sa baha.
Sa naging panayam ng IFM Dagupan kay Mayor Kevin Roy Macanlalay, nagkaroon na aniya sila ng pag-uusap sa nasabing kongresita kung saan kaniya nang inilatag ang mga lugar sa bayan na lubhang naapektuhan ng pagbaha.
Isa na rito ang kanilang napag-usapan ay ang paglalagay ng dike at ng slope protection project sa low- lying areas at sa mga malapit sa ilog.
Dagdag pa niya may mga malalaki ng ginawang proyekto ngunit hindi pa rin naging sapat kaya ngayon aniya magkakaroon pa ng assessment sa kung ano pa ang mga dapat na proyekto na isasagawa upang masolusyunan na ang mga problema gaya ng pagbaha.
Sa ngayon may ilan pang mga barangay sa bayan ang lubog pa rin sa baha ngunit hanggang binti na lamang.
Inaasahan na sa mga susunod na araw ay huhupa na ang mga tubig bahang naipon dahil gumaganda na ang panahon. |ifmnews
#
#
Facebook Comments