LGU Cauayan at SM Foundation, Magkatuwang sa Pagtulong sa mga Magsasaka!

Cauayan City, Isabela- Magbibigay ng ayuda ang Pamahalaaang Lungsod ng Cauayan sa ilang magsasaka at miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps sa lungsod ng Cauayan.

Ito ang inihayag ni Ginoong Jose Abad, City Administrator ng LGU Cauayan sa katatapos na graduation ceremony ng mga nagtapos sa ilalim ng SM Foundation’s Kabalikat sa Kabuhayan Farmers Training Program na kung saan ay magbibigay ng ayuda ang lokal na pamahalaan upang magkaroon ng sapat na supl ay ng tubig sa mga taniman ng mga sumailalim sa pagsasanay at mapalawak ang produksiyon ng mga ito.

Magugunita na nagtapos ang may kabuuan na 121 na magsasaka kaninang umaga sa kilalang mall sa Lungsod.


Ilan sa mga pananim na gulay at prutas ay ani mula sa Sitio Manalpaac, Brgy. San Pablo, Cauayan City, Isabela kung saan isinagawa ang anim na linggong pagsasanay at pagbibigay ng makabagong kaalaman sa pagtatanim ng gulay at mga prutas.

Inaasahan naman na mas madadagdagan pa ang mga magbebenepisyo sa ganitong uri ng pagsasanay dahil sa moderno at makabagong teknolohiya sa pagsasaka.

Patuloy naman ang pakikipagtulungan ng ilang ahensya ng gobyerno gaya ng DSWD, DA at pribadong sektor upang mapalawig ang ganitong uri ng pagsasanay.

Facebook Comments