LGU Cauayan City, Nakiisa sa Pagdiriwang ng Safer Internet Day

Cauayan City, Isabela- Bilang mandato ng DILG Memorandum Circular No. 2022-009, nakiisa ang pamahalaang Lungsod ng Cauayan sa pagdiriwang ng Safer Internet Day for Children – Philippines na may temang “Click, Respect, Connect – CRC Next Level: Ligtas na Ugnayan Online”.

Nagsagawa ng isang Symposium ang lokal na pamahalaan ng Cauayan na dinaluhan ng mga kabataang Cauayeño tulad ng mga estudyante at youth leaders.

Sa naturang aktibidad ay nag-imbita rin ang City Government ng Cauayan ng tatlong (3) abogado na nagsilbing resource speaker sa nasabing symposium na sina Atty. Daphne Tricia G. Cadiente ng Isabela State University – Cauayan Campus; Act. Atty. Gil P. Viloria Jr., at Atty. Mark Lester Q. Sanchez na parehong galing sa PAO Cauayan City.

Tinalakay ng mga ito ang tungkol sa Data Privacy Act and Gender-Based Online Sexual Harassment sa ilalim ng Safe Spaces Act, Cybercrime Prevention Act at Anti-Child Pornography Act.

Sa pamamagitan ng isinagawang symposium bilang bahagi ng selebrasyon sa Safer Internet Day for Children – Philippines.

Dumalo rin sa nasabing aktibidad si City Mayor Bernard Dy na kung saan ay hinikayat nito ang mga kabataan na maging aktibo at makiisa sa mga ganitong klase ng aktibidad para makakuha pa ng mga karagdagang kaalaman at impormasyon na makakatulong para sa mas magandang kinabukasan.

Facebook Comments