LGU Cauayan, Nabiyayaan ng Solar-Powered Irrigation System

Cauayan City, Isabela- Binuksan na rin ng Department of Agriculture Region 2 ang Solar-Powered Irrigation System sa Barangay Labinab sa Cauayan City na magsisilbing patubig sa mga ekta-ektaryang sakahan sa nasabing barangay.

Ayon kay Dr. Roberto C. Busania, Regional Technical Director for Operations and Extension ng DA Region 2, napili ang nasabing barangay matapos sumailalim sa evaluation dahil sa mayroong sapat na mapagkukunan ng tubig.

Aniya, layunin din ng proyekto na mapaunlad ang kabuhayan sa larangan ng pagsasaka at makatulong na rin ito sa pagkakaroon ng mas maraming locally-produced na aning palay.


Aabot naman sa 30 hanggang 50 ektaryang  lupain na mabebenepisyuhan ng nasabing patubig.

Ayon naman kay City Agrculturist Engr. Ricardo Alonzo, target din na madagdagan pa ang ganitong uri ng proyekto mula sa ahensya habang sumasailalim sa validation ang ilang barangay na posibleng magkaroon din ng patubig gaya ng Barangay San Pablo, Gappal at maging ang boundary ng Turayong -Gagabutan sa siyudad.

Dinaluhan ang nasabing launching at turn-over ng mga city officilas sa pangunguna ni City Mayor Bernard Dy, Regional Technical Director for Operations and Extension Dr. Roberto Busania at Isabela 6th District Cong. Inno Dy.

Facebook Comments