Kabilang na rito ang pamunuan ng Public Order and Safety Division (POSD) Cauayan na pinamumunuan ni Ret. Col. Pilarito “Pitok” Mallillin.
Ayon kay Mallillin, dahil nagluwag na ang restrictions sa galaw ng mga tao ay paiiralin pa rin ang pagbabawal sa pagdala ng mga nakalalasing na inumin, patalim at maiingay na bagay gaya ng radyo o speaker bilang respeto sa ibang bumibisita sa loob ng sementeryo.
Boluntaryo na rin aniya ang pagsusuot ng facemask sa loob at labas ng sementeryo ngayong darating na undas subalit hinihikayat pa rin ang publiko na isaalang-alang pa rin ang kapakanan at kaligtasan lalo na at mayroon pa rin ang banta ng COVID-19.
Bukod dito, dapat pa rin aniyang panatilihin ang social distancing sa loob ng sementeryo upang maiwasan ang posibleng paglaganap ng nasabing sakit.
Samantala, wala nang magaganap na rerouting sa mga sementeryo dahil nasa labas naman na ng Poblacion ang mga binibisitang sementeryo.