LGU Cauayan, Naglaan na ng Pondo para sa mga Centenarians!

24

Cauayan City, Isabela- Naglaan na ng inisyal na budget ang Sangguniang Panlungsod ng Cauayan para sa ordinansang inihain kamakailan ni City Councilor Rufino Arcega na pagbibigay ng cash incentives sa mga senior citizens na may edad 95 pataas.

Napagkasunduan ng konseho na kalahating milyong piso (P500,000.00) ang ilalaan para sa nasabing panukala.


Ayon kay Councilor Arcega, bagamat hindi pa ito pinal na halaga ng pondo subalit mas mainam na aniya na makapaglaan na ang lokal na pamahalaan para sa mga mabebenepisyuhan nito.

Kaugnay nito, nilinaw naman na hindi dapat bababa sa isang (1) taon ang pananatili ng isang centenarian sa Lungsod upang mapabilang sa mapagkakalooban ng cash incentive mula sa LGU.

Sa ngayon ay isasapinal pa lahat ang nakapaloob sa nasabing panukala bago ito tuluyang aprubahan ng konseho at tiniyak naman ng Sangguniang Panlungsod na maipapasa ang nasabing ordinansa.

Facebook Comments

From Advertisers