LGU CAUAYAN, NAKATANGGAP NG PATIENT TRANSPORT VEHICLE MULA SA PCSO

Cauayan City – Pormal ng ipinasakamay ng Philippine Charity Sweepstakes Office ang mga ambulansya na para sa mga piling LGU’s mula sa iba’t-ibang Rehiyon sa bansa kahapon ika-10 ng Setyembre.

Naganap ang Turnover ceremony sa Luneta Grandstand kung saan personal na dumalo si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos upang saksihan ang nabanggit na seremonya.

Kabilang sa mga nakatanggap ng ambulansya ay ang Cauayan City, Isabela, Munisipalidad ng Calanasan, Apayao, Munisipalidad ng Plaridel, Bulacan, Munisipalidad ng Carmona, Cavite, at Munisipalidad ng Sagñay, Camarines Sur.


Personal namang tinanggap ni Cauayan City Mayor Hon. Caesar “Jaycee” Dy Jr., ang nasabing Patient Utility Vehicle.

Labis namang nagpapasalamat ang alkalde sa PCSO at kay Pangulong Bongbong Marcos dahil isa ang lungsod ng Cauayan sa napiling mabigyan ng ambulansya na tiyak na magagamit ng mga Cauayeño.

Facebook Comments