*Cauayan City, Isabela*- Patuloy na namamayagpag ang Pamahalaang lokal ng Cauayan sa pagiging Smarter City nito na layong pag ibayuhin pa ang mga best practices nito at maibahagi din hindi lamang sa lungsod maging sa iba’t ibang bayan at siyudad sa buong bansa.
Sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay City Mayor Bernard Faustino Dy, ilang mga alkalde rin ang nagsagawa na ng koordinasyon sa kanya gaya nina Manila Mayor Isko Moreno, Mayor Francis Zamora ng San Juan at ang batikang aktor at City Mayor na si Richard Gomez ng Ormoc.
Bumuo na rin ng Smart and Sustainable City Taskforce ang LGU Cauayan na binubuo ng ilang mga ahnesya ng gobyerno gaya ng Department of Information and Communications Technology (DICT), DOST, Academe katuwang ang Isabela State University.
Bukod dito, pormal ng naisabatas ang panukalang “Sustainable Cities and Communities Act” na ang pangunahing may akda na si Senador Pia Cayetano.
Nagpapasalamat naman si Mayor Bernard sa lahat ng Cauayeno sa kanilang tulong at suporta sa higit pang pagiging Smarter City ng lugsod.