LGU DAGUPAN AT PNP SANIB PWERSA LABAN SA ONLINE SCAMMING; ONLINE SCAMMERS DI PALALAMPASIN

Sanib pwersa ang lokal na pamahalaan ng Dagupan at PNP Cybercrime unit laban sa online scamming at mga cyber-enabled criminality.
Sinisiguro ng LGU DAGUPAN at PNP Cybercrime Unit na kanilang pagtitibayin ang kanilang pwersa upang labanan ang talamak na mga online scammers lalo na sa lungsod.
Siniguro rin nila na sila ay kakampi ng mga nabiktima ng ganitong klaseng krimen.

Ang pagtutulungan ng ahensya ng LGU Dagupan at PNP ay sa pamamagitan ng Enhanced Anti-Cybercrime Campaign, Education, Safety and Security o E-ACCESS ng nasyonal na gobyerno.
Ito rin ay para sa pagpapalakas ng ugnayan ng local PNP Units, LGU, at ng komunidad para malabanan ang pagtaas ng bilang ng mga biktima ng online scam. |ifmnews
Facebook Comments