LGU DAGUPAN, BINALAAN ANG MGA TAONG NAIS MAGDULOT NG KAGULUHAN SA SYUDAD

Natukoy na ang taong nasa likod ng kailan lamang naiulat na bomb threat sa isang unibersidad sa Dagupan City.

Sa kasalukuyan ay inihahanda na ang kasong isasampa laban dito, habang tiniyak din ng awtoridad na mananagot ang taong sangkot sa pananakot.

Ayon sa LGU Dagupan, hindi papakitaan ng awa ang sinumang nagnanais na guluhin ang lungsod.

Nauna nang inihayag ng Dagupan City Police Station sa pamamagitan ni OIC PLtCol. Lawrence Calub na hindi pinalalagpas ang ganitong insidente lalo na at nagdulot ito ng takot, pangamba at abala sa publiko.

Samantala, muling pinaalalahanan ang mga indibidwal na may planong masangkot sa bomb joking na huwag nang ituloy upang maiwasan ang kaparusahang kakaharapin. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments