Hinikayat ng LGU Dagupan ang mga Dagupeñong madalas sumuong sa tubig baha na magkaroon ng pamproteksyon laban sa leptospirosis lalo ngayong nararanasan sa lungsod ang mataas na lebel ng tubig bunsod ng panahon ng high tide at mga pag-ulan dahil sa epekto ng bagyong Goring at Hanna.
Pinaalalahanan ang mga ito na maaari umanong magpunta ang mga tao sa pinakamalapit na health center at humingi ng Doxycycline capsules, ito ay gamot na maaaring inumin upang pamproteksyon sa sakit na Leptospirosis.
Para naman sa may edad dise otso o 18 pababa, maaaring uminom ng Amoxicillin depende sa reseta ng mga doktor.
Matatandaan na noong nakaraang nakaranas ang lungsod ng Dagupan ng halos isang linggong matinding pagbaha ay nakapagtala ang health authorities ng 6 na kaso ng kumpirmadong namatay dahil sa Leptospirosis dahilan na rin na naisugod na ang mga ito nang nasa kritikal nang kondisyon.
Pinapayuhan ang lahat na iwasan magbabad sa tubig baha lalo na sa mga taong may sugat at gasgas ang mga paa. |ifmnews
Facebook Comments