LGU DAGUPAN, NAKAALERTO NA SA POSIBLENG EPEKTO NG BAGYONG NANDO

Naghahanda na ang lokal na pamahalaan ng Dagupan sa posibleng banta ng Bagyong Nando sa lungsod.

Nauna nang isinagawa ang pagpupulong sa pangunguna ng City Disaster Risk Reduction Management Council upang talakayin ang ginagawang hakbang ng iba’t-ibang member agencies sakaling maranasan ang epekto nito sa lungsod.

Pinaaalalahanan ding muli ang mga Dagupeños ukol sa pre-emptive evacuation lalo na ang mga nakatira sa mababang lugar, maging ang mga naninirahan sa coastal at island barangays.

Samantala, posibleng maging Typhoon Category si Nando ngayong araw ng Sabado.

Pinayuhan ang lahat ng umantabay sa mga pinakahuling pagtataya o lagay ng panahon mula sa DOST-PAGASA. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments