LGU DAGUPAN, NAKIISA SA PANAWAGANG TRANSPARENCY SA MGA FLOOD CONTROL PROJECTS

Nakiisa ang pamahalaang Panlungsod ng Dagupan sa panawagan ni PBBM na matuklasan ang katotohanan sa maanomalyang flood control projects sa bansa.

Bilang isa sa pangunahing suliranin ng Dagupan ang pagbaha, nararapat lamang umano na magkaroon ng dekalidad na flood control projects upang makatulong sa mga komunidad.

Ipinapahayag din dito pagsulong sa pagkakaroon ng malinaw na plano at matapat na implementasyon ng mga proyekto.

Pagbaha rin ang puno’t dulo ng ilang road elevation projects at pagsasaayos ng drainage system sa central business district ng lungsod.

Matatandaan na isang mainit na usapin sa senado ang maanomalyang flood control projects at contractors dahil sa kwestyonableng pondo sa kabila ng komento ng pangulo na substandard at ghost projects. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments