Patuloy na isusulong ng lokal na pamahalaan ng Dagupan ang pagtataguyod ng sektor ng edukasyon, ayon kay Dagupan City Mayor Belen T. Fernandez.
Sa naging mensahe ng alkalde kasabay ng paggunita sa ika-128th taon ng kabayanihan ni Dr. Jose Rizal, inihayag nito ang kahalagahan ng pag-iinvest para sa kinabukasan ng mga kabataang Dagupeños.
Sa tala ng LGU, nasa P200M ang nakalaang pondo para sa Scholarship Program na target ang limang libong scholars sa lungsod.
Ilan pa sa binibigyang-pansin programa para sa mga kabataan ang Health services at youth engagement projects.
Samantala, patuloy umanong pagsisikapan ang magandang pamamahala, transparency at accountability upang patuloy na umunlad ang siyudad ng Dagupan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments