Target ngayon ng lokal na pamahalaan ng Dagupan City na matulungan ang mga nasa remote communities gamit ang Community Empowerment through Science and Technology Program (CEST) ng Department of Science and Technology (DOST).
Ang Community Empowerment through Science and Technology Program ay isang anti-poverty alleviation program ng national government.
Layunin ng proyektong ito na mag-abot ng sustainable development sa mga komunidad gamit ang science and technology interventions.
Tinalakay nila ang mga nakapaloob ritong mga programa kasama ang alkalde ng lungsod at mga kinatawan ng DOST Pangasinan.
Ani ng alkalde ng lungsod, mapalad raw ang Dagupan na maging partner ang DOST sa proyektong ito na siguradong makatutulong sa mga mahihirap na mga kababayan nito. |ifmnews
Facebook Comments