Prayoridad ngayong 2018 ng Local Government Unit ng Datu Abdullah Sangki Maguindanao ang “ HELP DAS Program” o ang Health, Education, Livelihood, Peace, infraDevelopment, Accesibility and Socaila Services.
Layun ng HELP DAS ay para maipagpatuloy ang mga nasimulang inisyatiba at mga serbisyo para sa kanilang mga kababayan kasabay ng pagsuporta sa mga adbokasiya at kampanya ni Presidente Rody Duterte ayon pa kay DAS Mayor Bai Mariam Sangki Mangudadatu.
Kabilang sa mga pinagsisikapan ni Mayor Mariam ngayong 2018 ang pagpapatayo ng bagong Municipal Hall, boundary landmark , municipal gymnasium at public terminal .
Ang DAS ay bagong tayong LGU sa lalawigan, 6th class municipality na may 10 baranggay at may 23,878 na population.
Samantala sa kabila ng pagiging bagong LGU, umani na ito ng kaliwat kanang mga pagkilala at parangal sa administrasyon ng 2nd termer na alkalde kabilang na ang Dangal ng Bayan Award, Seal of Child Friendly Local Governance at Seal of Good Local Governance.