Binigyang pagkilala ng Office of the Civil Defense-Autonomous Region in Muslim Mindanao ang mga naging inisyatiba ng lokal na pamahalaan ng Datu Abdullah Sangki, Maguindanao.
Itoy matapos manguna ang LGU DAS sa lahat ng mga 4th-6th Class Municipality sa buong ARMM bilang natatanging LGU na pumasa sa Local Disaster Risk Reduction Management Council o LDRRMC.
Sinasabing layun ng LDRRMC na maisigurong handa at ligtas ang lahat ng kani kanilang mga kababayan sa panahon ng mga di inaasahang kalamidad, mapa manmade man ito o natural.
Kaugnay nito pinasalamatan ni Mayor Bai Mariam Sangki Mangudadatu ang bumubuo ng kanilang LDRRMC at umaasang magpapatuloy ang mga pagsisikap ng mga ito alang alang sa taumbayan.
Nakatakda namang tatanggapin ng LGU DAS ang parangal sa gagawing ika 20th Kalasag Awarding Ceremony sa Em Manor Hotel sa Cotabato City sa July 5 2018.
Ang awarding ceremony ay taunang ginagawa ng OCD ARMM upang bigyang pagkilala ang mga natatanging mga LGU na nakiisa sa mga adbokasiya ng ahensya. Nangangahulugan ang KALASAG bilang “Kalamidad at Sakuna, Labanan, Sariling Galing ang Kaligtasan”
GOOGLE PIC