LGU Echague, Ginawaran ng "Gawad Kalasag Award"

21

Cauayan City, Isabela- Muling ginawaran ng ‘Gawad Kalasag Award’ ang Local Government Unit o LGU Echague, Isabela sa isang seremonya na naganap kahapon sa lungsod ng Tuguegarao.

Natanggap ang parangal dahil sa sipag at dedikasyon ng mga empleyado lalo sa pagresponde sa anumang aksidente at kalamidad ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Council (MDRRMC) ng Echague.


Ang bayan ng Echague ay kabilang sa 1st-3rd class Municipality Category na nabigyan ng parangal sa rehiyon dos na iginagawad ng Cagayan Valley Disaster Risk Reduction Management Council sa pamamagitan ni Dante Balao, bilang Chairperson.

Kaugnay nito, nagpasalamat si Mayor Francis “Kiko” Dy sa MDRRMC dahil sa suporta at kooperasyon ng bawat Echagueños.

Facebook Comments