LGU EMPLOYEE, BINUGBOG SA ISANG BAR SA CAUAYAN

Cauayan City – Arestado ang isang lalaki matapos ang ginawa nitong pambubugbog sa isang LGU Employee bandang alas-kuwatro ng umaga kahapon ika-19 ng hulyo sa isang Comedy Bar sa lungsod ng Cauayan.

Sa nakuhang impormasyon ng IFM News Team sa Cauayan City Police Station, parehong nag-iinuman sa magkahiwalay na lamesa ang grupo ng biktimang si Alejandro Aliangan, at ang grupo ng suspek na si alyas “Toni”.

Nang pauwi na sana ang grupo ng biktima, nasalubong nila ang grupo ng suspek kung saan kinumpronta umano ni Alyas “Toni” ang biktima at di kalaunan ay nauwi sa girian at suntukan.


Hindi pa nakuntento ang suspek at ang kasama nito dahil hinabol pa nila ang biktima hanggang sa Africano St. at doon tinuloy ang pambubugbog.

Kaagad namang humingi ng saklolo sa mga awtoridad ang mga concerned citizens sa lugar na nagresulta sa agarang pagkakadakip sa suspek.

Facebook Comments