LGU Employee ng Echague, Huli dahil sa Pag- iingat ng Droga

172

*Cauayan City, Isabela*- Timbog ang isang empleyado ng LGU Echague sa ikinasang drug buy-bust operation ng mga operatiba bandang alas kwatro ng hapon kanina sa Brgy. Silauan Sur, Echague, Isabela.

Nakilala ang suspek na si Felimon Aggabao, 46 anyos, may asawa at residente sa nasabing lugar.


Batay sa nakalap na impormasyon mula sa PNP Echague, dinakip ang suspek ng magkasanib na pwersa ng PNP at PDEA Region 2 na nagresulta ng pagkakaaresto nito.

Nakumpiska sap ag iingat ni Aggabao ang P1,000.00 na buy bust money, dalawang pakete ng pinaniniwalaang shabu.

Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act ang suspek.

Facebook Comments