LGU Employee, Tanod, 6 Iba pa, Timbog sa Illegal Logging

Cauayan City, Isabela- Arestado ang isang empleyado ng LGU at pitong (7) iba pa sa magkakahiwalay na operasyon ng kapulisan sa Gonzaga, Cagayan.

Nakilala ang mga suspek na sina Samuel Saliganan, LGU employee; Anthony Beltran, Marvin Parcasio at Joel Irorita, kapwa magsasaka; Marlon Calibuso, Barangay Tanod; Johnny Dela Cruz, tricycle driver; Jomar Fernando, fish vendor at Domingo Gumarang, mangingisda, at pawang mga residente ng Barangay Sta. Clara, Paradise at Batangan sa bayan ng Gonzaga.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang 170 piraso ng iba’t-ibang nilagareng kahoy na tinatayang nasa 650 board feet na may katumbas na halagang P22,844.00; isang (1) traysikel at motorsiklo.


Dinala na sa Gonzaga Police Station ang mga nahuling suspek at nakumpiskang kahoy para sa dokumentasyon at tamang disposisyon.

Inihahanda na ng pulisya ang kasong paglabag sa PD 705 o Revised Forestry Code of the Philippines na isasampa laban sa mga suspek.

Facebook Comments