LGU ILAGAN, BIBIGYANG PANSIN ANG MGA SPED CENTERS

Tiniyak ng Lokal na Pamahalaan ng lungsod ng Ilagan na paglalaanan ng pondo ang mga Special Education (SPED) Centers sa siyudad lalo pa’t nagsimula na ang face-to-face classes.

Ayon kay Ilagan City Councilor Jayve Diaz, na siyang Chairman ng Committee on Education sa lungsod, bilang tugon sa pagsisimula ng face-to-face classes ay dadagdagan ang itatalagang pondo para sa edukasyon kabilang na ang para sa mga special children.

Ito ay kaugnay ng isyu na walang nakatalagang pondo ang Department of Education (DepEd) para sa SPED.

Ngunit, nilinaw ng ahensya na may iminungkahi itong pondo na nagkakahalaga ng P532 Million Pesos para sa SPED sa taong 2023 ngunit hindi inaprubahan ng National Expenditure Program (NEP).

Facebook Comments