LGU Ilagan, Muling Nagsagawa ng Tree Planting!

23

Cauayan City, Isabela- Matagumpay na nagsagawa ng Tree Planting activity kaninang umaga ang Pamahalaang Lungsod ng Ilagan sa pangunguna ni City Mayor Jay Diaz.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Ginoong Paul Bacungan, ang Information Officer ng City of Ilagan, nakapagtanim ng isang libong puno ng Mahogany at Narra ang buong emleyado ng LGU Ilagan sa bahagi ng Sitio Bating, Brgy. Alibagu, City of Ilagan, Isabela.


Una nang nagtanim sa Brgy. Baculod ng tatlong (3) libong punong kahoy ang LGU Ilagan bilang bahagi ng selebrasyon sa Civil Service Month.

Layunin pa rin ng kanilang pagtatanim ng mga punong kahoy na mapangalagaan ang ating kalikasan at makatulong sa pag-iwas ng pagguho lupa at pagkasira ng Ozone layer.

Samantala, nakatakda rin sa mga susunod na araw na magtatanim rin ng mga punong kahoy ang LGU Ilagan sa iba pang barangay na sakop ng nasabing Lungsod.

Facebook Comments

From Advertisers