Pinangunahan ni Mayor Jay Diaz katuwang ang Sangguniang Panlunsod members, at ng City Social Welfare and Development (CSWD) ang nasabing relief operation.
Ilan sa mga barangay na nahatiran ng tulong ay kinabibilangan ng Bagumbayan, Baculud, Santa Barbara, San Vicente, Santo Tomas, Guinatan, Osmeña, Calamagui 1st, Calamagui 2nd, Baligatan, Alibagu, at San Felipe.
Magpapatuloy parin umano ang pamamahagi ng lokal na pamahalaan sa mga susunod pang mga araw hanggang sa mahatiran ng tulong ang lahat ng pamilya o indibidwal mula sa apektadong mga barangay sa lungsod.
Kaugnay nito, ay patuloy rin ang ginagawang monitoring ng mga siyudad sa mga lugar sa lungsod na nakakaranas pa rin ngayon ng pagbaha.
Matatandaan din na noong taong 2021 ay idineklara rin sa State of Calamity ang naturang lungsod dahil naman sa mapaminsalang Bagyong Ulysses na kung saan karamihan sa mga barangay sa Siyudad ay nalubog dahil sa matinding pagbaha.