Pinangunahan ni Ginoong Troy Alexander Miano, Provincial Tourism and Cultural Officer ang nasabing aktibidad kung saan dalawang paaralan ng elementarya ang naging benepisyaryo.
Naipamahagi ang 200 na libro sa Andabuen Elementary School – Annex, Andabuen, Benito Soliven, Isabela na tinanggap ni Ginoong Christopher Ryan B. Coloma, Teacher-In-Charge, mula sa Schools Division Office of Isabela.
Ang 200 na iba pa ay ipinasakamay naman sa Cabisera 27 Elementary School, Cab. 27 (Abuan), City of Ilagan, Isabela na tinanggap ni Binibining Rachel A. Cabauatan, Head Teacher, mula sa Schools Division Office of the City of Ilagan sa pamumuno ni Ginoong Gilbert Narag Tong, PhD, CEO VI 6, CESO V 5, Schools Division Superintendent.
Layunin ng aktibidad na hikayatin ang mga mag-aaral na patuloy magbasa ng mga libro upang magbigay ng ibayo pang kaalaman sa mga mag-aaral at makaiwas sa labis na paggamit ng mga makabagong teknolohiya.