LGU, kailangang palakasin para sa national employment recovery

Iginiit ni Committee on Labor Chairman Senator Joel Villanueva ang pagpapalakas sa mga Local Government Units (LGU) para magtagumpay ang institusyonalisasyon at pagtatag ng mga localized employment structures sa ilalim ng National Employment Recovery Strategy (NERS).

Base sa Executive Order No. 140, series of 2021, ang NERS ay ang medium-term employment recovery strategy na naka-angkla sa Philippine Development Plan 2017-2022 at ReCharge PH.

Kinokonsidera nito ang mga pagbabago sa merkado ng trabaho bunsod ng pandemya, at pamamayagpag ng mga teknolohiya sa ilalim ng Fourth Industrial Revolution.


Diin ni Villanueva, mahalaga at automatic dapat ang partisipasyon ng LGUs sa national employment recovery.

Paliwanag ni Villanueva, may kanya-kanyang supply and demand sa merkado ng trabaho, at karanasan sa pandemya ang bawat LGU na dapat ikonsidera sa paglalatag ng polisiya para sa emergency job generation.

Facebook Comments