LGU LINGAYEN NAGBIGAY BABALA SA PUBLIKO UKOL SA NAGPAPANGGAP NA DSWD SA BAYAN

Nagbabala ang lokal na pamahalaan ng lingayen sa publiko na maging mapagmatyag dahil may umiikot umano sa bayan na nagpapanggap na ito ay isang kawani ng DSWD.
Ayon sa opisyal na pahayag ng ahensya, ang nasabing suspek umano ay magbibigay ng materyales na pamapagawa ng bahay sa ilalim ng DSWD Project, ngunit manghihingi ng pang gasolina bilang kabayaran sa pagdadala ng mga materyales sa lugar.
Tatlong pamilya na ang napaulat na nabiktima ng isang Alan Santos na mula umano sa tanggapan ng DSWD. Bukod pa umano sa materyales ay nangako itong may makukuha pang tulong pinansyal na mula sa lokal na pamahalaan.

Samantala, nilinaw ng MSWD Lingayen ay walang ganitong programa ngayon ang ahensya na umiiral sa kasalukuyan, at kung mayroon man umano ay hindi nanghihingi ang mga ito ng anumang klaseng kabayaran. | ifmnews
Facebook Comments