BAYAMBANG, PANGASINAN – Inorganisa ng Bayambang Poverty Reduction Action Team (BPRAT), DOST-Pangasinan, Municipal Agriculture Office (MAO), Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), Kasama Kita sa Barangay Foundation, Inc. (KKSBFI), at Agriculture Consultants ang Virtual Seminar ukol sa Food Safety, current Good Manufacturing Practices (cGMP), Sanitation Standard Operating Procedure (SSOP) at Mandatory Packaging and Labeling Requirements para sa mga benepisyaryo ng mga livelihood programs ng LGU-Bayambang.
Kabilang sa mga naging partisipante ay ang mga miyembro ng Bani Delicious Ice Cream SLPA, Ambayat 1st Cassava Processing, Ambayat 2nd Cassava Flour Processing, Bongato East Yema Making SLPA, at RiceBIS Agricultural Cooperative.
Ang training na ito ay isa umano sa mga requirements upang maging lehitimong Food Processor Workers ang mga benepisyaryo ng LGU Livelihood Programs na makatutulong sa kanilang maging mas competitive sa merkado.
Giit ng lokal na pamahalaan na napakahalaga ang ganitong seminar para sa mga taong nasa food production line upang masiguro na ligtas at malinis ang mga pagkaing inihahanda nila para sa mga customer at consumer, at upang maiwasan ang food poisoning na maaaring magresulta sa malalang karamdaman.
Layunin din nito na maturuan kung paano mas magiging presentable ang kanilang mga produkto sa pamamagitang ng malinis, maayos at komportableng pagawaan na tiyak ay dudumugin ng mga mamimili.