Problema rin ang bahang nararanasan ngayon sa bayan ng Luna, La Union bilang isa sa pinaka sumasalo ng tubig ulan mula sa mga watersheds sa karatig bayan.
Ipinaliwanag ng lokal na pamahalaan na naglalaban ang tubig na umapaw mula sa Amburayan Watershed at Luna Watershed dahilan upang mas umagos ang baha sa bayan.
Sinasalo rin umano ng bayan ang tubig mula sa upstream dahilan kaya flood-prone ito.
Bilang solusyon, isa sa iminumungkahi ang paglalagak ng malalaking tanke, water impounding at tanke na sasalo sa tubig na diretso nang aagos sa dagat.
Nais din maging “sponge municipality” Ng Luna na sasalo ng tubig at gagawing kapaki-pakinabang para sa agrikultura.
Sa kasalukuyan, nakaantabay ang buong pwersa ng awtoridad na tumututok sa sitwasyon sa mga komunidad para sa kapakanan ng mga residente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









