Napanatili ng lokal na pamahalaan ng Manaoag ang pagiging drug-cleared municipality base sa naging deliberasyon at balidasyon ng Regional Oversight Committee on Barangay Drug-Clearing Program ngayong taon.
Nangangahulugan ito na maayos na napapangasiwaan ang suliranin sa ilegal na droga tulad ng maayos na monitoring sa pagbabalik-loob ng mga drug surrenderees sa bayan.
Tiniyak ng lokal na pamahalaan ang pagpapaigting pa ng implementasyon upang mapanatili nito ang titulo bilang gabay sa mga kabataan.
Hangad pa ng tanggapan ang maagap na tulungan at koordinasyon sa mga komunidad upang tuluyang masawata ang ilegal na droga. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









