Nagbigay ng babala si Manaoag Mayor Jeremy Agerico Rosario sa mga poultry owners sa bayan kaugnay sa ilang ulit nang isyu ukol sa napakaraming langaw na nakakaapekto sa mga residente kung saan naroon ang poultry.
Inihayag nito na papatawan ng suspensyon ang mga poultry owners na hindi sumusunod sa mga umiiral na patakaran na ito pang nagiging dahilan sa pagdami ng langaw.
Ayon kay Rosario, maaaring umanong magkaroon ng seryosong banta sa kalusugan ng mga residente ang pagdami ng pesteng langaw.
Kamakailan ay napatawan na ng pansamantalang suspensyon sa operasyon isa sa inireklamong poultry farm sa bayan dahil sa napakaraming langaw na nagsulputan at nakaapekto sa mga residenteng nakatira malapit sa pasilidad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









