LGU MANAOAG, NILINAW NA SYSTEM-GENERATED ANG UMANO’Y ‘DEROGATORY’ SURNAME TRANSLATIONS SA KANILANG PAGE

Nilinaw ng lokal na pamahalaan ng Manaoag na system-generated ng social media platform na Meta ang umano’y “derogatory” na pagsasalin ng apelyido at ilang pangalan na lumabas sa ilang shared posts ng kanilang opisyal na Facebook page.

Ayon sa pamunuan, walang kinalaman ang page administrator sa awtomatikong translation na lumalabas kapag tinitingnan ang content sa iba’t ibang device o language settings.

Paliwanag ng LGU, iba-iba ang language preferences at device settings ng bawat user kaya nagkakaroon ng pagkakaiba-iba sa kung paano isinasalin ng Meta ang mga salita.

Tiniyak ng LGU na maingat na sinusulat, nirereview, at inaprubahan ang bawat post upang matiyak ang angkop na nilalaman.

Nagpaalala naman ang pamunuan na hindi kukunsintihin ang anumang uri ng harassment, pambubully, o malisyosong pag-atake laban sa administrator, manunulat, o sinumang nababanggit sa kanilang content. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments