LGU MANAOAG, PINAG-IINGAT ANG RESIDENTE NITO DAHIL SA PATULOY NA NARARANASANG PAGTAAS NG HEAT INDEX

Pinag-iingat ni Manaoag Mayor Jeremy Agerico Rosario ang publiko sa mga sakit na maaaring makuha ngayong nararanasan ang patuloy na pagtaas ng Heat Index.

 

Kahapon, Sinuspende ang klase sa buong bayan matapos makapagtala ng 47°C na damang init na asa danger level category.

 

Ayon sa alkalde ng lungsod, kapakanan at kalusugan umano ng mga mag-aaral maging ng mga guro ang kailangang unahin, kesa sa anumang bagay.

 

Dagdag pa ng alkalde, na ugaliin ang pag-inom ng tubig upang malabanan ang dehydration na maaaring magdulot ng pagkahina at pagkamatay. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments