LGU MANAOAG, TUTUTUKAN ANG MGA PASILIDAD AT SERBISYO PARA SA MATERNAL AND CHILD CARE

Inihayag ng lokal na pamahalaan ng Manaoag na kabilang sa tututukan sa aprubadong annual budget ang pagpapabuti ng pasilidad at serbisyo para sa kapakanan ng mga buntis at sanggol sa bayan.

Sa ekslusibong panayam ng IFM News Dagupan kay Manaoag Mayor Doc Jeremy Rosario, kinakailangang sumabay at naangkop sa pangangailangan ng komunidad ang mga health services sa mga pasilidad.

Tiniyak ng alkalde na mayroong sapat na kagamitan ang Rural Health Unit ng bayan upang makapanganak ang mga buntis, dagdag pa ang government-run na Manaoag Community Hospital.

Ilan sa mga iminumungkahing ordinansa na nakapaloob sa 2025 annual budget ang pagpapatupad ng Safe Motherhood Program at Maternal and Infant Health Home Visiting Program.

Patuloy din ang pagsasagawa ng mga libreng health services tulad ng Pop Smear, X-ray, Derma Consultation maging OB-GYNE Consultation sa bawat barangay.| 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments