Lumagda sa isang Memorandum of Agreement (MOA) ang lokal na pamahalaan ng Mangaldan at Department of Migrant Workers (DMW) upang paigtingin ang kampanya kontra illegal recruitment.
Kinilala ng DMW ang aktibong pakikibahagi ng bayan sa mga programa at adbokasiya na naglalayong maprotektahan ang kapakanan ng mga migrant workers.
Ang kasunduang ito ay bahagi ng pinalawak na kampanya ng DMW laban sa illegal recruitment at human trafficking, alinsunod sa Migrant Workers and Overseas Filipino Act of 1995 (RA 8042), na may amyenda sa ilalim ng RA 10022.
Ayon sa lokal na pamahalaan, sa pamamagitan ng mas matibay nilang ugnayan sa DMW ay inaasahang mas mapapalakas ang proteksyon at karapatan ng mga nagnanais magtrabaho sa ibang bansa.
Facebook Comments









